YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, March 01, 2012

Building Officials ng Malay, pinaghihigpit

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Paghihigpit ng mga Building Officials ng lokal na pamahalaan ng Malay ang hiling ngayon ni Sangguniang Bayan Member Jupiter Gallenero.

Sa isinagawang sesyon ng SB Malay noong Martes, ipinaabot nito ang kaniyang obserbasyon kaugnay sa di umano ay mayroong estalishemento papuntang ng Mt. Luho na patuloy ang pag-gawa ng konstraksiyon.

Pero napag-alam umano mula sa Zoning Officer ng Malay ng kina-usap nito, na walang kaukulang dokumento at Building Permit ang gusaling tinutukoy nila.

Bunsod nito, hiling ng konsehal na sana ay matuto nang maghigpit ang mga Building Officials, at hindi lamang sa main road o sa lugar na matao ang i-monitor ng mga ito, kundi pati din sa likod na bahagi ng isla.

Samantala, ayon naman kay Presiding Officer SB Member Esel Flores, dahil nakausap na naman niya ito ay sana di umano ay tinanong na rin ni Gallenero sa Zoning Officer kung ano ang ginawang aksiyon ng mga Building Officials ng Malay ukol dito gayon alam na nila ang sitwasyon. 

No comments:

Post a Comment