Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Umaasa ang BLTMPC o Boracay Land Transportation
Multi-Purpose Cooperative na hindi hahayaan ng lokal na pamahalaan ng Malay
partikular ng Sangguniang Bayan na maipasok ng sabay-sabay ang limang daang
unit ng e-trike sa isla.
Ito ay kasunod ng pahayag ni SB Member Dante Pagsugiron na balak
na ngayon taon ng 2012 ng Department of Energy (DoE) na ipasok ang ipanangako at
nilaang e-trike para sa Boracay.
Subalit ayon kay Ryan Tubi ng BLTMPC, umaasa sila na hindi
ito bibiglain na LGU, gayong alam naman umano ng lahat na marami na ang
sasakyan sa isla at baka lalo pang sumikip ang kalsada sa Boracay.
Dahil dito, kung matuloy man ang 500 unit ng e-trike, hiling
ni Tubi na sana ay isipin muna ng kinauukulan kung ano ang gagawin sa mga tricycle
mayroon ngayon sa Boracay, bago ipasok ang mga electric tricycle na ito.
Samantala, kaugnay sa usaping ito, batid naman umano ng kooperatiba
ang balak na ito ng DoE, lalo na magbibigay dalawangpung unit para sa Boracay,
kung saan sampu dito ay para sa BLTMPC at sampu ay para sa SB at ngayong taon
ng 2012 ang launching.
Ngunit dahil sa tila hindi na aniya makapaghintay ang LGU, tinanggap
na ang samgpung unit ng e-trike na naririto ngayon sa isla, pero hindi umano
ito ang ipinangako ng DoE, sa halip ay mula ito sa ibang supplier.
No comments:
Post a Comment