YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, February 21, 2012

Lalaking hindi nagsuot ng life jacket, kalaboso


Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Kalaboso  ang inabot kahapon ng bente dos anyos na residente ng Boracay, matapos umano’y hindi magsuot ng life jacket.

Sa police report ng Boracay PNP, nabatid na pinayuhan ng municipal ordinance officer ang binata na magsuot ng life jacket, habang sakay ng bangka papuntang Boracay.

Sa halip na sumunod, ay sinita pa umano nito ang ordinance officer na kapwa pasahero nito sa bangka at sinabihang pasahero ka lang.

Nagpakita pa umano ng kawalang respeto ang inirereklamong lalaki at nagsimulang mag name drop o magbanggit ng pangalan ng mga pulis na kilala nito.

Dahil sa nasabing iskandalo sa bangka, ay nabahala ang mga pasahero doon.

Minarapat namang pagpahingahin sa presento ng pulis ang binata, na sinasabing nasa impluwensya ng nakalalangong inumin. 

No comments:

Post a Comment