Pages

Monday, February 20, 2012

Dahil sa maling akala, proyekto ng Dep Ed sa Boracay, ipinatigil ng LGU Malay


Ni Edzel Mainit , Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Dahil sa maling akala at hindi pagkakainitindihan.

Ito ang umano ang dahilan kung bakit ipinatigil ang konstraksiyon ng Practice House Project ng DepEd sa Balabag Elementary at Boracay National High School  compound.

Paliwanag ni Engr. Janrey Depositario, Project Engineer ng DepEd-Aklan, kaya hindi agad nakakuha ng building permit ang proyektong ito ay dahil sa pag-aakala aniya ng Division Office ay ang end user o makikinabang sa proyekto na Boracay National  High School na ang nag-ayos ng building permit para sa konstraksiyon, bagay na ipinaubaya na nila sa paaralang ito.

Dahil dito, sa kasalukuyan ay inabisuhan na rin ayon kay Depositario ang Boracay National High School na sila na ang mag-asikaso sa building permit ng proyektong ito.

Samantala, nilinaw naman ni Depositario na ang isinusulong na proyekto ng DepEd ay isang laboratory para sa nasabing mga paaralan, hindi tulad ng pagkaka-intindi ng karamihan na gagawin itong isang “hostel”.

Sinabi din nito na ang balak umano talaga ay gawin itong practice house at laboratory ng paaralan.

Ayon pa dito, ang pondo para sa phase 1 ng proyekto ay nagkakahalaga ng P10M. Ngunit P7M lamang ang na-i-award sa nanalo sa bidding, na inaasahang matatapos sa loob ng 8 buwan.

Matatandaang ipinatigil ng lokal na pamahalaan ng Malay ang konstraksiyon ng Practice House, lingo na rin ang nakakalipas, dahil sa kawalan ng building permit.

No comments:

Post a Comment