Ni Edzel Mainit , Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Ang mga mabababang kuntador ng kuryente sa poste ng Aklan
Electric Cooperative (Akelco) ay tila nagsisilbi na ring tourist attraction sa
mga dayuhan, partikular ang sa Mainroad Boracay.
Sapagka’t kahit sa mga poste ng Akelco ang mga turista ito
ay mistulang natutuwa pa at magpakuha ng litrato, habang back ground ang mga
nasabing kuntador.
Bagay na aminado naman ang Akelco Boracay sa ganitong
sitwasyon ayon kay Engr. Arnaldo Arboleda, Area Manager ng kooperatiba sa isla.
Subali’t sa kabila nito na naging tourist atraksiyon ang mga
kuntador na ito, lubhang napaka delikado naman at malapit sa sakuna ang publiko
lalo na ang mga naglalakad sa path way ng main road. Ito’y dahil halos
kasintaas lang din ng tao ang kinalalagyan ng mga kuntador na nakadikit sa
poste.
Maliban sa problemang ito sa main road, nakita na rin umano
mismo ng kooperatibang may mga kable pa rin ng kuryente na nakalaylay sa
interior na bahagi ng isla sa kabila ng mga ginagawa nilang paglipat ng mga
poste.
Kaugnay nito, inamin ni Arboleda na may mga hindi pa naaayos
o nailipat na poste, dahil sa problema nila ngayon na walang road right of way
para pagtayuan ng mga poste.
Gayon paman may mga nakahanda na rin umanong balakin at mga
negosasyon ang Akelco para mabigyang sulosyon ang suliraning ito.
Matatandaang ang pagiging tourist attraction ng mga
mabababang kuntador na ito ng Akelco ay minsan na rin ipinarating ng dalawang
Board of Director ng Akelco na sina Julieta Aron at Hayden Bandiola sa konseho.
No comments:
Post a Comment