Pages

Monday, February 20, 2012

Pag-gamit ng salitang “Bora” sa business name, haharangin agad sa pagpaparehistro


Ni Edzel Mainit , Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Harangin agad sa registration pa lang!

Ito ang nais mangyari ng ilang miyembro ng konseho sa mga mag-aaplay ng business name at pangalan ng asosasyon sa Boracay upang maiwasang gamitin ang salitang “Bora”.

Sa proposisyong isinatinig ni Sangguniang Bayan Member Jonathan Cabrera, sinabi nito na kung maaari ay magkaroon ng resolusyon ang konseho na hilingin sa Department of Trade and Industry at Security and Exchange Commission huwag nang aprubahan ang mga nagpaparehistrong asosasyon o establishemento, maging ang mga event na gumagamit ng salitang “Bora”.

Ang mungkahi na ito ng konsehal ay naglalayon umanong palakasin at pagtibayin ang matagal nang ordinansa ng bayan na bawalan ang mga Bussiness name na may salitang “Bora”, dahil ito ay isang ding isla sa ibang bansa at iba ito sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment