Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Maaga pa lang ay pinahandaan na ng Aklan Police Provincial
Office (APPO) ang sabay-sabay na pagdaraos ng festival sa iba’t ibang bayan sa
Aklan ngayon Enero.
Dahil dito, unang linggo pa lang ng Enero, ayon kay Police
Senior Supt. Cornello Defensor, Provincial Director ng APPO, nag-request na
sila ng mga karagdagang Pulis mula sa Regional Office na dumating na nitong
a-tres ng Enero.
Aniya, ginawa nito ang nasabing hakbangin para paghandaan
ang selebrasyon ng Ati-Atihan na sabay-sabay na ipinagdiriwang ngayong buwan.
Maliban kasi sa Ati-Atihan Festival sa bayan ng Kalibo na
buong linggong ipinagdiriwang kahit ang karawan ay sa a-katorse at a-kinse pa
ng Enero, sumabay din sa katulad na petsa ang pagdiriwang ng selebrasyon sa mga
bayan ng Batan, Makato, at Malinao, kaya dapat maaaga pa ay may mga plano na at
makapag-lagay na ng mga karagdagang pulis sa mga lugar na ito.
Ngunit hindi lamang sa mga nabanggit na lugar ipagdiriwang
ng Ati-atihan, dahil sa ika-walo ng Enero sa darating na linggo ay magpapadala
din umano ito ng mga pulis sa selebrasyon ng Ati-Atihan sa Boracay at sa huling
linggo ng buwang ito sa bayan din ng Ibajay.
Sa kasalukuyan bilang paghahanda sa mga selebrasyong ito,
sinabi ni Defensor na ang kanilang layunin ay upang mag-assist sa mga bayang
nabanggit, magkaroon ng check point at visibility patrol.
Dagdag pa ng opisyal, maliban sa mga naunang nang dumating
ay may inaasahan pang karagdagang tropa ang ipapadala mula ng Regional Office
para maging katuwang ng mga pulis dito sa Aklan.
Nais din umano ni Defensor na maitama ang maling paghahanda
kumpara sa mga nagdaang Ati-atihan kung seguridad ang pag-uusapan.
No comments:
Post a Comment