Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Wala nang oveloading ngayon sa mga pasahero ng Roll-on Roll
Off (RoRo).
Ayon kay Caticlan Jetty Port Nieven Maquirang, ito ay dahil
70 at 30% scheme na ipinapatupad sa mga barkong pang-RoRo sa Caticlan sa
kasalukuyan.
Napaloob sa scheme na ito na sa bawat barkong maglalayag,
dapat ay 70% sa kapasidad o pasahero nito ay magmumula sa mga kumpaniya ng bus
na isinasakay sa barko sa Jetty Port.
Ang natitirang 30% naman ng kapasidad nito ay dapat ilalan
sa mga walk-in passengers o pasahero mula mismo sa Caticlan katulad ng mga turista
at bakasyunista sa Boracay.
Aniya, dapat ding bigyan ng pagkakataon na makasakay ang mga
pasahero mula sa isla at hindi puro pasahero lang ng kompanya ng bus mula sa
iba’t ibang probinsiya.
Maliban dito, bilang na rin aniya ngayon ang pinapasakay sa
mga barko, dahil na rin sa tulong ng turnstile na inilagay sa pantalan kaya
bawat daan doon ng pasahero at bilang din.
No comments:
Post a Comment