Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Anumang oras ay pwede nang makapag-apply o mag-renew ng Business
Permits, basta’t kumpleto na umano ang mga requirement na hinihingi sa pagpoproseso.
Ito ang inihayag ni Alicia Manlabao, Local Treasury
Operation Officer II at In charges sa Assessment at Licensing Department ng
Malay.
Aniya, nagsisimula na silang tumanggap basta ang mga
kakailanganing dokumento ay handa na rin, lalo na kung hawak na ang total gross
sale ng magre-renew.
Ayon kay Manlabao, hanggang Enero 20, 2012 ang itinakda sa
pagpoproseso batay sa nakasaad sa Revenue Ordinance.
Pero maaari naman aniyang ipagpaliban ang deadline, iyon ay
kung nakita at magpasa ng resolution ang Sangguniang Bayan ng Malay para sa
extension.
Ngunit magkaganon man, dahil sa itinakda na ang January 20 at
nasa batas ito, kahit may extension pa ay magbabayad pa rin umano ng penalidad
at surcharges ang mga hindi nakahabol sa takdang petsa.
Samantala, gayong inaasahang na dadagsa ang magre-renew at
kukuha ng permit, nag-paalala si Manlabao na mas mainam kung agahan ang
pag-proseso.
Kaugnay nito, inihayag din ng opisyal na maaari naman
mag-proseso ng permit sa Action Center sa isla, subalit kung masyadong abala
doon ay maari din umanong gawin ang pagpoproseso sa mainland.
No comments:
Post a Comment