Pages

Thursday, January 05, 2012

Licensing at Assessment Department ng Malay, nagbigay ng paalala


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Nagbigay-paalala ngayon ang Licensing at Assessment Department ng Malay, na para mapadali at hindi sumablay ang pagahahanda sa mga kakailanganin sa pag-renew ng business permit, dapat unahin aniya ang pagkuha ng Health Certificate ng mga empleyado sa mga establishimiyento lalo kung ang mga ito ay konektado o nagtatrabaho sa restaurant.

Sapagakat ayon kay Alicia Manlabao, Local Treasury Operation Officer II at In-charges sa Assessment at Licensing Department ng Malay,  ito aniya ang pinakahirap kunin dahil limitado lamang din ang kayang bigyan ng certificate ng Health Center sa isang araw ng kanilang operasyon.

Maliban aniya dito, naka-iskedyul umano ang pagkuha nito, kaya para mas madali ang pagpoproseso ay mainam na unahin ito.

Samantala, dahil sa matagal na ring isyu at marami ang nagtatanong kung kailangan pa bang kumuha ng Heath Certificate ang mga empleyadong hindi naman nagtatrabaho sa restaurant, nilinaw ni Manlabao na kailangan pa ring lahat ay kumuha at hinahanap ito sa assessment bilang requirement sa pagkuha o pagre-renew ng mga business permits, kahit hindi food handler ang isang indibidwal.

Ang paaalala na ito ni Manlabao ay may kaugnayan sa inaasahang pahirapan na naman ang pagkuha at paghahanda sa requirement para sa business permit ngayong buwan.

No comments:

Post a Comment