Pages

Sunday, January 22, 2012

MSWDO ng Malay, hirap sa pagpalabas ng pondo; tulong, delayed din!

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Dahil sa mahigpit ang Commission on Audit o COA, hindi ganon kadali ang pagrelease ng pundo para sa mga naghihikahos sa buahay na nanga-ngailang ng tulong pinansiyal mula sa Municipal Social Welfare Development Office o MSWDO para gamitin sa pagpapagamot o pambayad sa ospital, food assistance o burial assistance man.

Sa paliwanag ni Magdalena Prado, MSWD Officer ng Malay, sa konseho ng ipatawag ito kaugnay sa delayed di umanong pagbibigay ng tulong, sinabi nito na nagpapahirap at naa-antala ang pagbibigay nila ng tulong, dahil sa wala namang pera mula sa pondo na ano mang oras o panahon ay maaari nila nakuha kapag may manghingi.

Aniya, bago mailabas ang pondo sa paraan ng tseke, kailangan makumpleto muna nila ang mga kaukulang dukomento katulad ng resibo at iba pa.

Kaya minsan ay nahihirapan din umano sila sa pagpaliwanag sa kabila ng pagnanais sana nilang makatulong.

Pero bilang sulosyon nagbibigay nalang umano ang tanggapan ng MSWDO sa mga pasiyente ng “guarantee letter” na may lagda ni Prado para mabigyang serbisyo ang mga nang-nagilangan, at para may ipikita sa pagamutan at malapatan ng kaukulang serbisyo na kailangan nila.

Samantala, nasubukan na rin aniya ni Prado na humiling ng “Cash bond” ng sa ganoon, kung may mangailangan ng tulong, ay may mahuhugot sila sa kaha ng Municipal Treasurer, pero hindi ito pinahihintulutan ng batas.

Inihayag din ng huli na  ang pinakamataas na tulong na ibinibigay nila sa nangangailangan ay limang libong piso lamang dahil limitado lang din ang pondo.

Nitong nagdaan taon ng 2011 ay may alokasyong isang milyong piso, pero kinulang pa umano ito.

Nilinaw din ni Prado na proyoridad nila ang pagbibigay ng suporta sa mga Malaynon, kahit pa nagbibigay din sila ng tulong sa mga na-stranded sa Malay at Boracay, kung saan nagpapa-abot din ang MSWDO ng transportation assistance ang mga ito.

No comments:

Post a Comment