Pages

Tuesday, January 24, 2012

P100.00 Terminal Fee, kasado sa Marso

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Sa kasagsagan ng “peak season” sa Boracay, ipapatupad ang bagong rate ng Terminal Fee sa Caticlan Jetty Port.

Ito ang inihayag ni Aklan Governor Carlito Marquez sa panyam dito, kaugnay sa pagtaas ng singil ng terminal fee sa Jetty Port, kung saan sinabi nito na sa buwan ng Marso ipapatupad ang bagong aprubadong batas kaugnay dito.

Matatandaang nitong nagdaang buwan ng Disyembre ay inaaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang bagong revenue code ng Aklan, at nakasaad doon na magiging P100.00 na ang babayarang terminal Fee sa Jetty Port, mula sa kasalukuyang bayarin na P75.00.

Ayon pa sa gobernador, ipapatupad nito ang bagong bayarin kasabay sa pormal na pagbubukas ng bagong waiting o holding area na kasalukuyang inaayos pa ang ilang detalye para magamit na ito sa araw-araw na operasyon ng pantalan.

Sa ngayon ay hinihintay pa umano nila na mai-turn over na sa pamunuan ng pantalan ang waiting area na ito para mapasinayaan na.

Sa oras umano na mabuksan na ito, doon ay isasabay na rin aniya ng pagpapatupad sa bagong bayarin sa terminal fee na P100.00.

No comments:

Post a Comment