Pages

Sunday, January 22, 2012

1M tourist arrival ngayong 2012, pinasiguro ni Governor Marquez

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Hindi man naabot ang target na isang milyong Tourist Arrival nitong nagdaang taon ng 2011, kampante naman si Aklan Governor Carlito Marquez na ngayon 2012 sinisiguro nito batay sa kaniyang pananaw ay maabot na target na ito.

Aniya, sa pakikipag-usap niya sa mga Airline Company, napag-alam umano nito na may magandang hinaharap ang industriya ng turismo lalo na ang Boracay ngayong taon ng 2012.

Dahil maging ang gobernador ay tiwala sa marketing o paraan ng pagbibinta sa turismo ng Boracay ng mga Airline Company sa bansang China at Korea, gayon ang dalawang nabangit na bansa na ito ang nakakapaghatid ng maraming turista, lalo pa ngayong may direct flight na sa mga lugar na ito.

Subalit, kung nakikita na ni Marquez ang magandang hinaharap ng Boracay sa taong ito, sinabi ng gobernador na ang lahat nang mangyayari at posibleng mangyari ay nakadepende parin, kung mapa-unlad ang antas na serbisyo sa mga dayuhang ito na punterya ay Boracay.

Ito ay dahil, nabatid aniya nila sa mga International Airline Company, na nahihintay lang din pala ang mga dayuhan na magiging maaayos ang mga pasilidad, dahil kasama ito ngayon sa pagdududa ng mga turista, kung may sapat bang kakayahan ang pamahalaan upang mabigyan sila ng kaukulang serbisyo dito.

Dahil maging ang gobernador ay aminado na masyadong maliit ang Kalibo International Airport, kung saan minsan ay inaabot pa aniya ng dalawang oras sa pagpila palang sa Immgiration.

Dagdag pa nito, ang kabit-kabit na problema, hanggang sa suliraning nararanasan sa Caticlan Jetty Port na masikip at ilang oras nakatayo para makasampa sa bangka ay maging silang namamahala sa probinsiyang ito ay ramdam ang nasabing di kagandahang sitwasyon, sa kabilang mga ng binabayarang nga bayarin ng mga turistang ito, pero kulang parin sa serbisyo at pasilidad.

No comments:

Post a Comment