Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Ngayon panahon na naman ng pag-renew ng business Permit at
dumadaan sa Engineering Department ng LGU Malay ang mga permit ng
establishemento, bagamat mahigpit nilang binubusisi ang mga dukomentong ito,
ang mga nahuling lumalabag sa mga ordinansa at building code ay nakakakuha pa rin di umano ng permit ayon kay
Engr. Elezer Casidsid, Municipal Engineer ng Malay.
Ito ay kapag mangako ang mga ito na aayusin kung ano ang
nalabag na ordinansa, kasama dito ang ukol sa limitasyos sa taas ng gusali,
tamang sukat ng paglalagay ng bakod at iba pa.
Magkaganon man, binibigyan na lamang umano ng tanggapan nila
ng isa o dalawang buwang palugit para tuparin ang binitiwang pangako.
Sa oras umano na hindi ito natupad, maaaring ma-revoke o
mabago pero nakadepende na umano sa tanggapan ng alkalde kung pahihintulutan pa
ito, dahil tinitimbang din nila ang pag-labag na ginawa ng isang
establishemento.
Subalit gayong mayroon naman ngipin ang local na pamahalaan
para gumawa ng aksiyon, kung kinakailangan maaari naman ayon kay Casidsid na
mapakapag-demolish ng bahagi ng gusaling o mismong gusaling nakitang lumabag.
Samantala, aminado naman ang huli na mahirap talagang
i-monitor ang mga nakitaan ng paglabag lalo pa at kulang sa tao ang engineering
ngayon.
Ngunit, sa tulong ng mga barangay opsiyal at Municipal
Auxiliary Police (MAP) ay maaari itong maibsan, kung sa bawat hukay na gagawin
sa pagpapatayo ng gusali ay hanapan agad ito ng permit.
Lalo pa umano itong nakakabahala, dahil walang moratorium
ang LGU Malay na ipinapatupad para ma-kontrol ang pagdami ng mga gusali na
bilgaan at parang mga kabute lamang kung sumulpot, bagay na aminado naman si
Casidsid dito.
Matatandaang, una nang inihayag ng huli na sa Boracay,
marami silang na monitor na lumabag sa building code at ordinansa ukol dito,
dahil kahit may building, hindi naman sinusunod minsan ang nakasaad dito, lalo
pa at hindi rin namomonitor ng LGU Malay.
No comments:
Post a Comment