Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Tapos nang gawin ang program of Works para mabigyang
sulosyon ang problema ukol sa matagal nang nirereklamong hindi kanais nais na
amoy dahil sa tumatagas ang laman ng Drinage sa kalsada pamismo sa bahagi ng
Ambulong Brgy. Manoc-manoc.
Ito ang inihayag ni Engr. Elezer Casidsid, Municipal
Engineer ng Malay kaugnay sa suliraning ilang beses na ring nireklamo lalo na
ng mga residente doon dahil sa epektong dulot nito sa kalusugan at kahihiyang
dala ng sitwasyong ito para sa Boracay na kilala bilang isang Tourist
Destination.
Gayon paman, ngayong tapos na at naisumite na ang program of
works para dito, ang budget pa umano sa kasalukuyan ang hinihintay, sapagkat
wala pa itong katiyakan kung kaylan mapupunduhan at doon naka depende kung
kaylan ito sisimulang ayusin para sa long term ng sulosyon.
Subalit, inihayag ni Casidsid na sa ngayon, ay gumawa na
aniya ng aksiyon ang Brgy Manoc-manoc at hinukay ang pinagmumulang ng di
kanais-nais na amoy pero, itinutring aniya itong band aid sulosyon lamang o
pansamantala lamang sulosyon.
Matatandaang, umani na ng batikos ang sitwasyong ito sa
nasabing lugar, subalit nagtuturuan at walang umaako kung sino ang dapat
umaksiyon sa kabila ng mga rekomedasyong ginawa ng Malay Health Office na hindi
ito maganda sa kalusugan ng mga residente sa nasabing area.
No comments:
Post a Comment