Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Nitong umaga ay sinimulan na ng Boracay Beach Management
(BBMP) ng LGU Malay na mailatag na sa dagat na sakop ng isla ang mga artificial
reefs na siyang magsisilbing tahanan ng mga isda sa Boracay.
Ito ay kasunod sa pagkabahala ng local na pamahalaan, na sa
ngayon ay unti-unti nang nawawala o nababawasan ang mga korales mayroon ngayon
sa isla.
Dahil dito ito ang naisip na paraan para may
mapag-pangitlugan ang mga isda para dumami, gayong ito ang isa sa atrasksyon ng
Boracay.
Kung saan may mga area na identify ang BBMP sa tulong ng
Bantay Dagat, pormal nang inihulog ang mga malalaking artificial reef na ito na
gawa mula sa semento.
Maliban sa BBMP, nakatakda ding ihulog ngayong araw ang
artificial reef na donasyion ni Senadora Loren Legarda para sa isla na
nagkakahalaga sa limangpung milyong piso.
Subalit ang kinaibahan lamang sa proyektong ito ni Legarda,
inaluhan ng organic na kemikal para hindi umano maka apekto sa tubig dagat at
habitat ng mga isla dito.
No comments:
Post a Comment