Pages

Sunday, January 22, 2012

Pagka-antala sa pag-release ng mga dokumento ng mga taga-Balabag, ipinaliwanag ni Sacapaño

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Mariing itinanggi ni Balabag Punong Barangay Lilibeth Sacapaño ang balita na nadedelay ang pagbibigay nila Barangay Clearance at sedula, dahil araw araw naman di umano silang nagrerelease nito.

Aniya, siguro mangyayari lamang ang pagka-antala sa pagbibigay nila ng mga dukomento kung kulang ang mga requirements na isinusumite sa Barangay.

Katunayan ay madali lamang ayon kay Sacapaño ang kumuha ng mga dokumento katulad nito, lalo na kung may dalang Identification Card.

Maliban dito, ang mga empleyado umano ng Barangay ay nag-i-extend na ng oras para mabigyang serbisyo ang lahat ng kumukuha ng Clearance at sedula bago paman matapos ang araw.

Itinanggi din nito ang napabalitang di umano ang ilang dukomento na isinumite sa Barangay ay nawawala na ang iba.

Sa kabila ng mga pagtanggi nito, sinabi naman ni Sacapaño na kung mangyari man na naatala ang pagbibigay nila mga dukomento sa Barangay, ito marahil ay dahil sa nagkaroon lamang ng problema katulad ng brown out, sapagkat wala silang generator o kaya ay nasira ang printer o computer ng Baranggay.

Gayun pa man, kapag may mga oras na hindi agad tinatanggap ang mga dokumentong isinusumite, ito ay dahil sa tambak na di umano at marami nang nauna pa.

Nilinaw din ng Punong Barangay ang rason kung bakit may mga pagkakataon na pini-pending nila ang dokumento ng ilang establishemento sa isla.

Paliwanag ng huli, ito ay dahil sa nagpadala ang lokal na pamahalaan ng Malay ng listahan ng mga pangalan ng establishemento na hindi pa bayaran lahat ng obligasyon nila sa munisipyo kaya, hindi nila ito binibigyan ng Permit. 

No comments:

Post a Comment