YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, December 14, 2011

Yapak Punong Brgy. Hector Casidsid, magpapaskong may kaso!

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Kung matutuwa ang mga empleyado at opisyal ng bayan ng Malay dahil makakatanggap ng bonus ngayong Pasko, mistulang hindi naman ito kagandahan sa bahagi ni Yapak Punong Brgy. Hector Casidsid na kakabalik lang mula sa pagkasuspende nito ang akisyong gagawin ng Sangguniang Bayan.

Dahil kung mapatunayang balido ang kasong administratibo na isinampa laban dito ng limang miyembro ng Brgy. Kagawad nito sa Yapak, muli itong i-imbestigahan ng konseho.

Sa isinagawang sesyon noong Martes, kasama sa pinagdebatihan ang hinggil sa reklamong natanggap ng SB Malay laban kay Casidsid dahil sa paggamit nito sa mga lagdang nakalap mula sa kampaniya ng No to Casino na siya di umanong ginamit ni Casidsid na depensa sa pagpapahiwatig umano ng suporta ng publiko sa Yapak sa kaniya bilang Punong Brgy kaugnay sa kasong isinampa ni Island Administrator Glenn SacapaƱo dito.

Dahil dito, ang Sangguniang Bayan ay bubusisiin naman ang reklamo na ito para mabigyan ng kaukulang aksiyon. 

No comments:

Post a Comment