Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Nilinaw ni Atty. Allen Quimpo, dating kongresista ng Aklan at tumatayong tagapag-payo ng pamahalaang probinsyal ng Aklan, na hindi nangangahulugang nababagabag o nag-aalala na ngayon ang pamahalaang probinsya sa resulta ng oral argument at maging sa disisyon ng Supreme Court.
Ito ay kasunod ng paghiling ni Aklan Governor Carlito Marquez sa BFI na i-atras na lang ang kasong isinampa ng nasabing organisasyon sa pamahalaang probinsyal.
Sa kabila ng pahayag na ito ni Quimpo, kampante pa rin sila at nagtitiwala sa desisyon ng korte, lalo pa at hindi pa umano napapakinggan ng Supreme Court ang panig nila.
Hindi maikakaila na marami ngayon ang nagtataka kung bakit kailangan pang hilingin ni Governor Marquez sa BFI kung malaki ang pag-asa nila na mapanalunan ang kasong isinampa laban sa kanila, kung hindi man lang ito nababahala sa resulta.
Samantala, kinuntra naman ng abogado ang naging pahayag ni Loubell Cann ng BFI Board of Trustees, na nanga-ngamba sila na baka hindi sundin ng probinsya ang 2.6 hectare na reklamasyon at sa halip ay ang apat napung hektarya ang gagawin nila.
Ayon naman sa sagot ni Quimpo, ang apatnapung hektarya ay kasama lamang sa pangarap ng probinsya, pero ang 2.6 hectare lamang umano ang saklaw at sakop ng legal na dukomentong hawak ng probinsya.
No comments:
Post a Comment