Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Naging pangunahing pandanggal sa ika-labing apat na taong na pagdiriwang ng pagtatapos ng Ramadan sa Boracay si PNP Regional Director PS/Supt. His Excellency Sultan Cipriano Querol, tumatayong pinuno ng mga Muslim Community sa buong rehiyong ito.
Malugod siyang na tinaggap ng mga Muslim sa Boracay lalo pa at mas pinili umano ng opisyal na ito na sa isla pa magdiwang pinakabanal na araw ng mga Muslim kasama ang mga ito.
Maliban kay Querol, nakihalubilo din si Supt. Sammuel Nacion, hepe ng Boracay Police, Sangguniang Bayan Member Dante Pagsugiron, SB Member Jupiter Gallenero, Punong Brgy ng Manoc-manoc Abram Sualog at ilan pang opisyal ng nabangit na barangay.
Bagama’t simpleng pagdiriwang lamang ang kanilang ginawa, ikinatuwa naman ng mga Muslim ang pagtatapos ng Ramadan lalo pa at sa labas ng kanilang mosque ay sabay-sabay na pinagsaluhan ang mga nakahain pagkain.
Nabatid naman mula kay Mike Mananos, Board of Director ng Muslim Association sa Boracay, na may mahigit isang libong katao silang mga Muslim sa isla ngayon, na ang ikinabubuhay ay panga-ngalakal o pagnenegosyo.
Samantala, ayon kay G. Mananos, ipinagmamalaki pa rin nila ang pagiging Muslim, at hindi sila nagagalit kung tawagin sila sa ganong pagkilala, maliban na lamang kung ang paggamit sa salitang Muslim ay inihahambing sa mga masamang gawain dahil hindi naman umano totoong masama sila.
No comments:
Post a Comment