Pages

Wednesday, August 31, 2011

Muslim Community sa Boracay, saganang ipinagdiwang ang pagtatapos ng Ramadan


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Masaganang ipinagdiwarang ng Muslim Community sa Boracay ang pagtatapos ng Ramadan.

Sa huling araw ng pag-aayuno nila kahapon ng tanghali, sabay-sabay nilang pinagsaluhan ang pagkaing inihanda para sa pagdirawang at pagtatapos ng pinakabanal na araw na ito, batay sa kanilang panampalataya.

Ayon kay Mike Mananos, Board of Director ng Muslim Association sa isla, pinagsaluhan ng mahigit isang libong Muslim ang pagkaing inhanda, na sila din mismo ang nag-ambag ambag para sa naturang pagdiriwang.

Aniya, naghanda ang mga ito ng mga masasarap na pagkain, katulad ng kalabaw, manok, salad at kung anu-ano pa, at masayang pinagsaluhan ito, lalo pa at isang buwan din umano silang walang halos kinain sa loob ng tatlumpung araw, maliban na lang sa gabi kung saan doon lamang sila makakakain at maaring makaka-inom ng tubig.

Pagkatapos ng ng salu-salo, ang ilang umano sa kanila ay kanya-kanyang nagliwaliw kasama ang pamilya, katulad sa paliligo sa dagat, swimming pool sa isla at maging sa labas ng Malay.

Hindi pa dito nagtatapos ang aktibidad nila dahil kinagabihan ay magtatagisan din ang mga ito sa larangan ng basketball para sa midget at senior division, pati na sa sa domino at chess.

Samantala, nabatid rin mula kay G. Mananos na mahigpit na ipinagbabawal sa mga katulad nila ang pagkain ng baboy, hotdog, at maging ang pag-inom ng nakakalasing na inumin, pati na ang pagsusugal at pakiki-apid kung hindi kasal.

Ikinatuwa naman ng mga Muslim na naging mapayapa ang kanilang pagdirawang ng Ramadan.

No comments:

Post a Comment