Pages

Monday, May 30, 2011

AKELCO, hiniling na magtipid sa kuryente ang mga konsumidor

(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Senior Field Reporter)

Dahil sa aprobado naman ng Energy Regulatory Commission o ERC at  ng Board of Directors ng AKELCO ang tungol sa bagong taripang ipinapatupad nito,hiniling ngayon ni AKELCO Consultant Lorenzo Laserna,na magtipid na lamang ang publiko sa paggamit ng enerhiya upang makaiwas sa mataas na bayarin.

Samantala, hiniling din ng nasabing consultant na kung maaari ang lahat ng meyimbro at kunsumidor ng Akelco ay dumalo sa gagawing Annual General Membership Assembly o  AGMA para lubos na maipaliwanag ang mga bagay tungkol dito, sabay linaw na hindi  pa nito alam kung may plano ba ang kooperatiba na dito sa Boracay gaganapin ang katulad na aktibidad para sa benepisyo na rin ng mga nasa isla, gayong ang Boracay ay maituturing na isa sa unang pinagmamalasakitan ng AKELCO.

No comments:

Post a Comment