Pages

Tuesday, May 31, 2011

Trompeta, may plano para sa Boracay

(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Senior Field Reporter)

Sa hangaring maisaayos at  maging kaayaaya ang mga istraktura sa isla ng Boracay,kinumpirma ngayon ni  DOT Region 6 Director Edwin Trompeta na meron itong plano o proposisyong magbuo ng Boracay Tourism Development Authority o BTDA.

Ayon kay Trompeta ang nasabing development authority ay naglalayong gabayan ang patuloy na pag-unlad ng isla ng Boracay, dahil maging sila sa DOT ay wala pang nakikitang matatagtag na ideya kung paano ito mapapaunlad pa.

Kaugnay nito umaasa umano sana si Trompeta na mayroong nang  Boracay  Comprehensive Land Use Plan CLUP ang Malay para dito, subalit hanggang sa ngayon ay hindi pa ito aprobado.

.Maliban dito, nakalathala na rin ngayon sa mga pahayagan na tila nagdududa rin ito kung kakayanin pa ng LGU Malay na maisaaayos ang lahat o kung maipapatupad nga ba ang nakasaad sa CLUP.

Sinabi din ni Trompeta sa panayam ng YES FM na ang nagplano ng BTDA ay si Congressman Joeben Miraflores matapos siyand magpasa ng Batas sa kongreso katulad ng pagkakaroon ng CLUP. 

No comments:

Post a Comment