Pages

Monday, May 30, 2011

AKELCO, nag-sorry dahil may nakaligtaan daw ipaalam sa konsumidor?

(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Senior Field Reporter)

Humingi ngayon ng paumanhin ang AKELCO,o AKLAN ELECTRIC COOPERATIVE ng dispensa sa  mga miyembro konsyumedor nito makaraang umalma ang publiko sa hindi naipaliwanag at walang abisong panibagong taripa nito.

Bagamat sinabi ni AKELCO consultant Lorenzo Laserna, na kamakailan lamang dumating ang billing ng koopertiba,aminado naman itong nakaligtaan ng kooperatiba na magpadala ng advisory kung kaya’t hindi ito nalaman ng publiko,sa halip na pag-uusapan pa lamang sana ito sa gaganaping Annual General Membership Assembly o AGMA.

Tuloy hindi maisawan ng madla na magkumento na mistulang baligtad ang pangyayari, dahil bago ito ipaalam sa kanila, na may bagong ipinatutupad na taripa sa kuryente, ay mas nauna pang mangyari ang pagtaas ng singil o bayarin.

No comments:

Post a Comment