Pages

Wednesday, April 13, 2011

Operasyon ng Helmet Diving, pansamantalang ipatitigil --- SB

(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

Karamihan sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Malay ay nagrekomenda na ipakansela muna ng pansalamantala kay Mayor John Yap ang operasyon ng Helmet Diving sa Boracay, sapagkat may panibagong naitalang aksidente sa nasabing sea sports activities.

Ito ang inihayag ni SB Rowen Aguirre sa konseho nitong umaga ika labin dalawa ng Abril.

Sang-ayon naman dito si SB Wilbec Gelito, Jupiter Gallenero, at Dante Pagsugiron, na nagsuhestiyon na dapat na rin itong ipaabot sa Alkalde, gayong dumarami na ang turista sa Boracay at upang makaiwas na rin sa sakuna kung kaligtasan ng mga turista ang pag-uusapan.

Ayon sa mga ito, ang pansamantalang pagpapatigil sa operasyon nito kung saka-sakali ay upang ma-inspeksyon ang mga kagamitan sa aktibidad, sapagkat nabatid umano na delikado ang ilang gamit para sa ganitong aktibidad.

Lalo pa’t nalaman aniya ni Pagsugiron na mismo ang operator lang ng negosyong ito ang gumagawa ng mga gamit sa helmet diving kaya kinuwestiyon ng konsehal ang kwalidad kung ligtas ba ito para sa mga kostumer.

No comments:

Post a Comment