Pages

Tuesday, April 12, 2011

BFI, tuloy pa rin ang laban kontra reklamasyon

(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

Sa kabila ng ihinayag ng UP Marine Science na walang gaanong epekto sa Boracay ang first phase ng proyekto ng pamahalaang probinsya ng Aklan, ang 2.6 hectares na reklamasyon sa Caticlan, ay tila hindi pa rin nagbabago ang isip ng mga taga-Boracay Foundation Inc. (BFI) tungkol dito.

Sapagka’t mas lalo pang tumibay ang kanilang paninindigan na ituloy ang ipinaglalaban gayon ang mga Board of Directors (BOD) ng BFI ay binigyan na ng awtoridad para ituloy ang pagsasampa ng kaso sa mga nasa likod ng nagbigay pahintulot sa proyekto at sa may proposisyon nito.

Ito ay makaraanng isangguni ni Lowel Talamisan sa mga stake holders ang kanilang plano na positibong sinang-ayunan ng mga negosyante na dumalo sa idinaos na General Assembly nitong ika-siyam ng Abril.

Ang naging rason ng mga ito ay dahil sa pangamba na matapos ang 2.6 hectare na reklamasyon ay may susunod pang proyektong pagtatambak na gagawin gayong apatnapung ektarya ang inaprubahan ng Philippine Reclamation Authority (PRA).

Maliban sa nabanggit, naniniwala ang mga ito na sa kinalaunan ay may dalaitong negatibo epekto sa Boracay lalo pa ngayon at ramdam na ang sand erosion sa isla.

Nadagdagan din ang lakas ng loob sa mga stake holders dahil sa suporta na ipinapakita ng Sangguniang Bayan, matapos magpoa-abot ng kanilang kopromiso na ang bawat isang SB Member ay tatayong complainant sa kaso.

No comments:

Post a Comment