Pages

Wednesday, April 13, 2011

SB, gagawa ng sulat para sa Alkalde

(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

Para makasiguro at makaabot sa alkalde ng sa gayon ay maaksyonan ang problema sa helmet diving sa Boracay, napag-usapan ng  Sangguniang Bayan ng Malay ay magpadala ng sulat sa tanggapan ni Mayor John Yap, na nagrerekomenda na kung maaari , sa lalong mas madaling panahon ay pansamantalang itigil na muna ang operasyon nito sa paniniwalang hindi na ligtas ang kustumer.

Maliban dito, hiniling din ng konseho na kung pwede pati ang operasyon ng Jet Boat ay idamay narin dahil nakitaan aniya ng pagkukulang sa dukomento, may ilang nagrereklamo sa operasyon nito gayong nakakasira pa sa yamang dagat ng Boracay ayon kay SB Jonathan Cabrera.

Kaugnay sa nasabing uspain, dahil sa napagkasunduan ng halos lahat ng konseho na pa- imbestigahan ang operasyon ng helmet at jet boat, nagpasya na rin sila na imbitahan sa SB ang mga operator at may-ari ng nasabing sea sport activities para pormal na maipaabot sa mga ito ang layunin ng konseho.

No comments:

Post a Comment