Posted March 11, 2020
Inna Carol
Zambrona, NEWS DEPARTMENT
Tuloy ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isla
ng Boracay bukas March 12 sa kabila ng banta ng coronavirus desease o COVID-19.
Ito ang pahayag ni Maria Theresa Valencia, Provincial
Agrarian Reform Officer II matapos ang ginawa nilang meeting bilang paghahanda
sa pagpunta ng Pangulo sa isla.
Pangungunahan ng pangulo ang pagbibigay ng Certificate of
Land Ownership Award o CLOA sa mga tumandok o Boracaynon.
Ayon kay Valencia, ang CLOA ay ipapamahagi sa tatlumpo’t isang
agrarian reform beneficiaries sa Brgy. Manocmanoc, Boracay, Island.
Ang pagbisita umano ng pangulo sa isla ay isang
regionwide activity kung saan nakatakda rin itong bumisita sa ibat-ibang
probinsya sa rehiyon upang personal na ibigay ang Certificate of Land
Ownershiop Award sa mga benepisyaryo.
Kung matatandaan ito na ang pangalawang beses na
magbibigay ng CLOA ang pangulo sa Boracay.
Layun din ng pagbisita ni Duter na i-promote ang mga
tourist destination sa ating bansa at matingnan ang sitwasyon ng Boracay
matapos ang halos dalawang taon na rehabilitasyon.
ReplyDeleteIf you are looking for the Software Engineering Help assignment then in this case you can opt for our Economics Assignment Help.we provide the best Help with economics assignment.We also provide Public Economics Assignment Help for students across the globe. for more information contact us +16692714848.