Posted Janurary 6, 2020
Unti-unti ng nahakot ang mga basurang tumambak sa
iba’t-ibang bahagi ng Boracay dahil sa bayanihan ng mga residente at
stakeholders.
Halos isang linggo din kasi matapos manalasa ang bagyong
si Ursula ay tumambad ang mga debris mula sa mga nasirang bahay at basura mula
sa mga establisyemento na hindi kaagad nahakot ng ECOS.
Ayon sa pamunuan ng ECOS Sanitary Landfill and Waste
Management Corporation, hindi pumasok o nag-AWOL ang kanilang mga driver at
pahinante simula Disyembrer 30 dahil hindi kaagad naibigay ang 13th –month pay
ng mga ito.
Hindi raw ito kaagad naibigay sa mga empleyado dahil
hindi pa umano sila nabayaran ng LGU-Malay ng utang na humigit kumulang P 100M.
Paglilinaw ng ECOS, nagawan na ito ng paraan at ibibigay
naman nila ang 13th month pay ng mga nagrereklamong empleyado.
Sa ngayon ay may mga bago raw silang driver at patuloy
ang kanilang paghahakot ng basura na pansamantalang itinambak sa Manocmanoc MRF
at itatawid kapag bumuti na ang lagay ng dagat.
Samantala, nag-bayanihan ang karamihan lalo na ang mga
taga-barangay, mga NGO, stakeholders, at hauling operators para mabilis na
mahakot ang natitirang basura lalo na sa beachline ng Boracay.
birkin bag
ReplyDeletebape hoodie
hermes
kyrie 7
supreme shirt
golden goose
off white
kyrie 6 shoes
air jordan travis scott
golden goose