Pages

Friday, November 08, 2019

Isa patay, tatlong iba pa nasagip sa magkahiwalay na insidente ng lunod sa Boracay kahapon

Posted November 7, 2019
Inna Carol Zambrona, NEWS DEPARTMENT

Image may contain: one or more people
CCTO
Isa ang patay habang tatlong iba pa ang nasagip sa magkahiwalay na insidente ng lunod kahapon ng hapon sa isla ng Boracay.

Unang nairekord pasado alas-dos ng hapon ang pagkalunod ng dalawang Korean National na sina Kung Yun, at Yu Nee parehong 35-anyos kung saan nangyari ang insidente sa beach front ng Station 2.

Ang dalawang turista ay ligtas na nahila papuntang dalampasigan matapos sinaklolohan ng lifeguard on-duty kasama ng isang paddle board instructor.

Sa isa pang hiwalay na insidente, pasado alas-tres ng makatanggap ng impormasyon ang Seaside Base Team ng MDRRMO na may multiple drowing sa harap ng D’Mall.

Dead on Arrival ng dinala sa Ciriaco Hospital ang biktima na si Roberto Baisas Jr., 50-anyos ng Sta. Cruz, Laguna.

Bago nito, na rescue ng stand up paddle board ang biktima at nilapatan ng CPR subalit unconsious na ito kaya dinala agad sa ospital.

Maliban kay Baisas, isa pang biktima ng active drowning ang naligtas ng mga lifeguard kung saan kinilala ang biktima na si James Alfararo, 20-anyos ng Cebu City.

Dahil sa may malay ang biktima ay binigyan ito ng oxygen at dinala rin sa malapit na ospital at nasa mabuti ng kalagayan.

Kaugnay nito, paalala ni Catherine Ong ng MDRRMO Malay na makinig, huwag maligo kung malakas ang alon, at kung nakataas ang red flag upang maiwasan ang anumang insidente ng lunod.

Dagdag pa ni Ong, hindi nagkulang sa paalala ang mga lifeguards subalit may sadyang pasaway talaga at hindi sine-seryoso ang kanilang alituntunin.

1 comment: