Inna Carol Zambrona,
YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
Pinulong ng OTC o Office of Transportation Cooperative
ang mga kooperatiba at mga transport group sa Caticlan, Malay kaninang umaga
para sa isinusulong programa na Public Utility Vehicle Modernization.
Ayon kay Richard Osmeña, Regional Director ng LTFRB-6,
mahalaga ang modernization programa na ito ng gobyerno para ang publiko ay
mabigyan ng mas komportableng serbisyo ng mga pampublikong sasakayan mapalupa
man o dagat.
Layunin din ng programang ito na ayudahan ang mga
transport cooperative na makakuha ng accreditation at kapital para sa
pagpapalit ng mga lumang unit.
Ani Osmeña, walang problema pagdating sa franchising
dahil mayroong bangkong magpapahiram ng pera kung sakaling wala pang sapat na
puhunan para dito.
Alalayan din ng OTC ang mga kooperatiba sa kanilang
operasyon sa pamamagitan ng training at financial management kabilang na ang
mga technical assistance.
Samantala, sa darating na Hulyo 4 ay magkakaroon ng
National Launching sa mga bagong bus, jeepney at taxi units upang ipakita kung
ano ang direksyon ng modernization program.
Kapag fully implemented na ito, aasahan umanong ang mga
PUVs at mga sakayang pandagat ay magkakaroon ng wifi, aircon at marami pang
iba.
Ilan sa mga dumalong grupo sa Malay at Boracay ay ang
BLTMPC, CBTMPC at mga TODA sa mainland.
Ang “Public Utility Vehicle Modernization” na ito ay
unti-unti ng ipinapatupad sa buong bansa ng Duterte Administration katuwang ang
DOTc, OTC, LTO, at LTFRB.
No comments:
Post a Comment