Pages

Thursday, June 27, 2019

CBTMPC, handa sakaling matuloy ang planong Boracay Bridge

Posted 24, 2019

Image may contain: 2 people, people sitting“Wala naman kaming kontrol doon pero handa kami sakaling matuloy ang tulay”.

Ito ang reaksyon ni Caticlan Boracay Transport Multi-Purpose Cooperative o CBTMPC Chairman Godofredo “Goding” Sadiasa sa panayam ng Boracay Good News patungkol sa napipintong proyektong tulay na magdudugtong ng Boracay at Mainland.

“Lahat ay ayaw pero ngayon ay gusto na dahil walang “choice” kaya open kami d’yan, ang importante ay aming napaghahandaan”, ani Sadiasa.

Dagdag pa nito, ang nais lang ngayon ma-klaro ng kooperatiba ng bangka ay kung anong klaseng tulay ito at kung ano ang mga tatawid.

Bagamat maganda umano ito sa business side ng industriya ng turismo at all-weather ay magagamit ang tulay, pangamba ng ilan ay baka magdulot ito ng pagtaas ng kriminalidad at pagsisikip sa isla kapag hindi i-regulate.

Ayon pa kay Sadiasa, hamon sa gobyerno ang isyu sa livelihood, kalikasan at posibilidad na pagkawala ng ganda ng Boracay.

Sa ngayon, hinahanapan umano nila ng oprtunindad ang bawat sagabal na darating sa kooperatiba kaya pinaghahandaan nila ang posibilidad na serbisyuhan ang ilang malapit na destinasyon sa Boracay tulad ng Hambil sakaling matuloy ang tulay.

Nitong nakalipas na araw, inanunsyo na ni DPWH Secretary Mark Villar na malapit na nilang desisyonan ang OPS o Original Proponent Status ng San Miguel Holding Corp. (SMHC).

Kapag pumasa sa DPWH ang planong 1.2 kilometer na limited-access bridge na ito na nagkakahalaga ng mahigit P 5-billion ay isusumite nila ito sa National Economic and Development Authority o NEDA.

Ang NEDA ang siyang may huling pasya para sa pag-aproba ng proyekto at kung kelan ito uumpisahan.

No comments:

Post a Comment