Pages

Thursday, May 30, 2019

Boracay Muslim Community naghahanda na sa Eid Al-Fitr


Posted May 30, 2019
Teresa Iguid, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: 2 people, people sittingNaghahanda na ang muslim community sa Boracay para sa nalalapit na pagtatapos ng Ramadan o Eid Al-Fitr.

Kasabay ng nalalapit na selebrasyon ng Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng isang buwang pag-aayuno ay ibinahagi ni Sec. Najeb Apal ng Boracay Muslim Community ang kahalagahan ng Ramadan.

“Ang Ramadan ay hindi lamang pag-aayuno kundi ang pagpapakita ng pagkakapantay-pantay ng lahat ng muslim gayundin ang aral na mahigpit na ipinagbabawal sa isang mananampalatayang muslim na makapag salita o makagawa ng ano mang makakapagpahamak sa kapwa."

Ito ang paliwanag ni Apal kung saan ang pagdiriwang umano ng Eid’l Fitr ay napakahalaga bilang isang mananampalatayang Islam.

Isa aniya itong malaking selebrasyon na nagsisimbolo ng tunay na pagkakaisa, pagmamahalan at pagpapakita ng magandang dulot ng pag-aayuno sa buwan ng Ramadan.

Bilang bahagi ng naturang okasyon, sila ay maaga pa aniyang magdarasal kasama ang kanilang mga lider na syang nagsisiwalat ng pagkakaroon ng pagpaptawad at pagkakaisa ng lahat.

Dagdag pa nito, bilang bahagi ng selebrasyon, sila aniya’y nagkakatay (tulad ng kambing o baka) na susundan ng kasiyahan matapos ang pagdadasal ng mga Islam.

Samantala, nagpaabot naman ng mensahe ng pag suporta sa kung ano ang tama si Apal sa kaniyang kapwa muslim sa Isla ng Boracay.

Kasabay sa selebrasyon na ito ay idineklara ni Pangulong Duterte na holiday ang June 5.

No comments:

Post a Comment