Pages

Tuesday, April 09, 2019

200 na bagong franchise para sa E-Trike Program, itutulak

Posted April 9, 2019
Inna Caro L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

“200 additional franchise para mapunan ang kakulangan sa pampublikong sasakyan”.

Ito ang hakbang na nais itulak ni Malay Acting Mayor Abram Sualog para sa nalalapit na phase-out ng tricycle sa isla ng Boracay.

Ayon kay Sualog, bago ito maisakatuparan ay dadaan ito sa isang resolusyon sa Sangguniang Bayan sa pamamagitan ng Committee on Transportation.

Sa pananaw nito, panahon na aniya na dagdagan ang nasa 540 franchise dahil sa dumaraming turista at residente ng isla.

Tiwala rin itong maaprubahan ito ng Sangguniang Bayan ng Malay dahil ang makakabenepisyo nito ay ang riding public.

Kung maalala, makailang beses na-extend ang phase out ng tricycle dahil posibleng kukulangin ng sasakyan kapag ipapatupad ito agad.

Maliban dito, ang 180 units ng etrike na donasyon ng Department of Energy DOE ay hindi pa naipamahagi dahil sa mga prosesong pagdadaan ng mga benipisyaryo tulad ng “undertaking”.

Kaugnay nito ayon kay Sualog ang problema nalang ngayon upang maipamahagi na ang donasyong e-trike ay gumawa ng resulosyon ang miyembro ng SB Malay na pahintulutan siyang lumagda ng Deed of Donation sa DOE.

May requirements umano kasi si Sangguniang Bayan Member Frolibar Bautista, na dapat mayroong masterlist na pipirmahan ang mga gustong mag-avail ng donasyon na nasa 250 at ang mga hindi naman ay idadaan umano sa “raffle”.

Samantala, pabor naman ang pamunuan ng Boracay Land Transportation Multi-Purpose Cooperative (BLTMPC)n a magdagdag ng 200 bagong franchise para sa e-trike program.

Katunayan ayon kay BLTMPC Vice Chairman Prudencio Vargas, sinabi nito na may proposal narin sila na magdagdag ng isangdaan at limampung franchise subalit hindi pa nila ito naihain sa Sangguniang Bayan ng Malay.

Mag-change unit na rin daw ang kooperatiba at katunayan ay may anim na silang E-Jeep na dalawa dito ay solar-operated Mini Bus.

Samantala, itinutulak naman ng national government ang Euro 4 bilang bahagi ng pag-modernize ng mga sasakyan sa Boracay.

1 comment: