Ni Inna Carol
Zambrona, YES THE BEST BORACAY
Ito ang pahayag ni PSUPT Ryan Manongdo ng Metro Boracay
Police Task Force pagkatapos na nagkaroon ng mga insidente ng nakawan nitong mga
nakalipas na linggo.
Ani Manongdo, tinitinganan nila ang posibilidad na ang
mga sangkot dito ay mga dating suspek na minor de edad na ang modus ay pagsira
at pagnakaw sa ilang tindahan.
Naghahanap na umano sila ng konkretong impormasyon na
magkokonekta sa naunang mga kaso at sa oras na mapatunayan nila ito, dito na
nila sasampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek.
Samantala, sa naging pahayag naman ni Police Chief
Inspector Terrence Paul Sta. Ana, Information And Action Commander ng MBTF,
base sa kanilang tala ay bumaba ang Crime Rate sa Boracay.
Katunayan, simula ng closure may rekord silang walong
theft incident at isang robbery sa kanilang crime statistics monitoring.
Bagamat maganda ang peace and order situation sa isla,
patuloy ang pagpapatupad nila ng curfew at ilang municipal ordinance para
maiwasan ang insedente ng nakawan.
Sa ngayon ay nakikipag-coordinate na sila sa tatlong
barangay para mapaigiting ang pagroronda lalo na sa madilim na bahagi ng isla.
Apela ni Sta. Ana sa publiko lalo na ang mga negosyante
na mag doble ingat at panatilihing i-secure ang kanilang mga gamit upang hindi
masalisihan ng magnanakaw.
#YesTheBestBoracayNEWS
#BoracayClosure
No comments:
Post a Comment