Yes The Best NEWS --- “ After 6-months lahat ng na-impound
na sasakyan will be forfeited in favor of the government”.
Ito ang pahayag at babala ni Land Transportation Regional
Director Roland Ramos sa mga may-ari ng mga sasakyan na hinuli sa Boracay at
kasalukuyang naka-impound sa mainland Malay.
Ayon kay Ramos, ibebenta ito pagkatapos ng anim na buwang
taning para mabawi ng gobyerno ang gastos ng ahensya.
Sa mahigit isang daan na hinuli at na-impound, karamihan
dito ay mga sasakyan na walang franchise mula sa LGU o Motorize Tricycle
Operators Permit (MTOP) at walang rehistro mula sa LTO.
Maliban sa mga vans, mini-dumptrucks, e-trikes at mga
tricycle, hindi rin pinalagpas ng LTO ang ilang sasakyang pagmamay-ari ng MAP,
pulis, at iba pang enforcers kasama na ang mga nagmamaneho na walang helmet at
lisensya.
Tuloy-tuloy din daw ang operasyon ng LTO sa loob ng
tatlong buwan pero nilinaw ni Ramos na mananatili silang naka-antabay hanggang
sa muling pagbubukas ng Boracay.
Sa ngayon, pina-plantsa na rin ni Ramos na magkaroon ng
LTO-Malay District Office sa mainland para magsi-serbisyo sa Malay at Boracay.
#YesTheBestBoracayNEWS
#LTOImplementationInBoracay
No comments:
Post a Comment