Pages

Wednesday, April 18, 2018

Terminal Identification Pass, libre na at para na lang sa mga workers

Posted April 18, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: house, sky and outdoorLibre na at para na lang sa mga workers ang pagkuha ng Terminal Identification Pass na bahagi ng implementing rules sa pagpasok at paglabas ng Boracay sa panahon ng closure.

Sa naging panayam kay Jettyport Officer III Jean Montero, nagbaba ng order ang Office the Governor na wala ng babayaran sa pagkuha ng nasabing ID.

Paalala ni Pontero na ang mga importanteng dadalhin ng mga empleyado sa pagkuha ng Terminal Identification Pass ay dalawang 1x1 photo, kahit anong government issued  ID at certificate of employment na magpapatunay na ito ay legal na nagtatrabaho sa Boracay.

Hindi na kailangan mag-proseso at kumuha ng nabanggit na ID ang mga residente ng isla.

Apela ni Pontero sa mga workers na pumunta na ngCaticala  at Cagban Jetty Port at mag fill-up na ng application form upang mapadali ang kanilang pagkuha ng naturang Terminal ID Pass.

Ang mga aplikante na kukuha ay inaabisohan na i-proseso ito mula alas-otso ng umaga  hanggang alas singko knag hapon kung saan ang huling araw ng pag-issue nito ay Abril 22.

Kung maaalala, nag-anunsyo ang pamunuan ng Caticlan at Cagban Jetty Port nitong mga nakaraang araw na kailangang kumuha ng Terminal Identification Pass na nagkakahalaga ng P 100 ang lahat ng mga papasok at lalabas ng Boracay subalit umani ito ng hindi magandang feedback sa publiko.

No comments:

Post a Comment