Pages

Wednesday, April 18, 2018

Inter Agency Task Force at LGU-Malay nag-presenta ng Rehabilitation Action Plan

Posted April 18, 2018
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay

Image may contain: one or more people and indoorNaglatag ng kanilang mga action plan ang LGU-Malay at Inter Agency Task Force sa isinagawang “Save Boracay Conference” kahapon kaugnay sa nalalpit na pagpapasara ng Boracay.

Sumentro ang mga presentasyon ng bawat ahensya kung ano ang kanilang mga hakbang na gagawin sa anim na buwang rehabilitasyon ng isla.

Sinimulan ni LGU Executive Assistant IV Rowen Aguirre ang pag-pepresenta ng mga rekord na nakalap ng kanilang opisina at action plan para sa mga maaapektuhang sektor.

Base sa datos ni Aguirre, ang ilang posibleng epekto sa ekonomiya ng Boracay ay ang tinatayang nasa 36,000 empleyado na mawawalan ng trabaho kasama na rito ang mga informal sectors, at pagkawala o pagkalugi  ng mga negosyo.

Tinatayang nasa 80,000 naman na residente ang tinitingan na maaapektuhan ng closure kung saan ang worst case scenario ayon kay Aguirre ay ang epekto sa edukasyon ng mga bata at problema sa tahanan.

Napag-usapan din ang pagsasa-pribado ng operasyon ng Sanitary Landfill kung saan inaprobahan na ng Sangguniang Bayan ng Malay na pumasok si Mayor Cawaling sa paghahanp ng kontratista.

Samantala, naglatag din ng security plan si PRO 6 Chief Superintendent  Cesar Hawthorne Binag kung saan mula sa 472 na mga police personnel naka-deploy ay aakyat ito sa 630 na kinabibilangan ng JTF, BTAC, MBPTF/ 2nd Aklan PMFC, NOSU, at COM na layuning mapanatiling ligtas at mapayapa ang isla habang isinasagawa ang rehabilitasyon.

Ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority o TIEZA ay nagbigay din ng updates sa mga aktibidad tulad ng dredging ng mga imburnal at pagtatanggal ng mga burak sa mga drainage kasama na ang pag-alam sa mga illegal connections.

Sa mga apektadong manggawa, sa ngayon ay patuloy pa rin ang profiling ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung saan nakapokus sila ngayon sa informal sectors at aasahan din ang pasasagawa ng Job Fair para maalalayan ang mga nasa mahigit labim-pitong libong trabahante na mawawalan ng trabaho.

No comments:

Post a Comment