YES THE BEST
Boracay News -- Dead on the spot ang isang pahenante habang walo naman
ang sugatan sa nangyaring vehicular accident sa Unidos, Nabas kahapon.
Photo Credit MDRRMO and Metro Boracay |
Ayon kay PO2 Melvin Alba Jr. ng Nabas PNP, isang banggaan
ang nangyari kahapon ng tanghali sa pagitan ng isang Toyota Wigo at Mitsubishi
Canter Mini-Truck na may sakay na pitong pahenante maliban sa driver.
Sa salaysay ng mga saksi sa pinangyarihan ng aksidente,
nawalan umano ng kontrol ang mini-truck ng mapansin na kasalubong nito ang Wigo
habang akma itong mag-over take sa isang tricycle.
Nang tumagilid ang mini-truck ay nasapol nito ang Toyota
Wigo na minamaneho ni Apolo Barrios Jr. ng Old Buswang, Kalibo.
Ang namatay na pahenante na naipit sa front-seat ng
mini-truck ay kinilala naman ng Nabas PNP na si Reynaldo Haberia, 64-anyos ng
Caloocan City.
Agad namang rumesponde ang Nabas at Malay MDRRMC
Responders kasama ang Metro Boracay Task Force para madala ang mga biktima sa
pinakamalapit na ospital.
Ang ibang pahenante at driver ng dalawang sasakyan ay
kasalukuyang ginagamot habang patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil
sa nangyaring aksidente.
Paalala ng PNP, maging maingat, mag-menor at tingan kung
may kasalubong bago mag overtake para iwas disgrasya.
No comments:
Post a Comment