Posted September 28, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Wala nang buhay
ng madatnan ang isang German National sa kanyang tinutuluyang resort dito sa
isla ng Boracay.
Base sa report ng
live-in partner ng biktima sa Boracay PNP, galing umano siya sa kanyang Therapy
Class at sa pag-uwi niya ay nakita nalang nito na wala ng buhay ang 48-anyos na
kinakasamang German national na si Kondrad Lothar Beckman.
Dali-dali naman
itong humingi ng tulong sa mga tao sa lugar upang maidala sa pinakamalapit na
pagamutan para ma revive si Beckman.
Subalit, ayon sa
doktor na sumuri ay atake sa puso ang dahilan ng pagkamatay ng biktima.
Ang bangkay nito
ay dinala na sa Prado Funeral sa bayan ng Malay.
No comments:
Post a Comment