Posted August 21, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST Boracay
Isang boat
captain na may kasong rape ang nakorner at inaresto ng mga tauhan ng Boracay
Tourist Assistance Center (BTAC) sa Barangay ManocManoc Boracay.
Ang suspek na may
warrant of arrest ay kinilalang si Junnifer Sarito y Pagalisan, 36-anyos,
tubong Sta. Fe Romblon at kasalukuyang naninirahan sa Sitio Tabon, Caticlan.
Hinuli ito sa
bisa ng warrant of arrest na pinirmahan ni Presiding Honorable Judge Bienvenido
Barrios Jr. RTC Branch 3, Kalibo, Aklan.
Sa panayam sa
suspek, pinabulaanan nito ang reklamo at aniya ay wala umanong katotohanan ang
bentang o akusasyon sa kanya.
Sa pagsasalaysay
ng suspek, ang reklamo ay nagmula sa pamilya
ng kanyang kinakasama kung saan ay inabuso di-umano nito ang kanyang
step-daughter.
Dagdag pa nito,
hindi niya inakala na maaaresto siya dahil nagkaayos na umano ang mga ito sa
Barangay, ngunit laking gulat nalang nito na inaresto siya kahapon.
Gayunman, sinabi
ng suspek na inggit umano ang dahilan kung bakit siya kinasuhan.
Kasalukuyan
namang nakapiit ang suspek sa detention cell ng Boracay PNP.
No comments:
Post a Comment