Pages

Monday, August 21, 2017

Cawaling, nag-utos na hulihin ang mga Illegal Collector sa Snorkeling Area ng Boracay

Posted August 21, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

No automatic alt text available.
Image may contain: text
Naglabas ngayon ng dalawang Memorandom Order si Malay Mayor Ceciron Cawaling na nag-uutos sa paghuli sa mga violators at illegal collectors sa snorkeling area ng Boracay.

Sa Memorandom order No:  88 and 89 Series of 2017, inatasan nito ang Municipal Agricultures Office, Bantay Dagat, at Maritime Police na inspeksyunin at dakpin ang mga hindi otorisadong naniningil ng snorkeling fee sa lugar.

Nakasulat din sa Memo na ang lahat ng ito ay dapat na i-monitor at inspeksyunin at i-report sa kanyang  opisina sa Centralize MRF para alam daw nito ang nagyayari sa operation ng snorkeling area.

Image may contain: one or more people, people sitting, table and indoor
Dahil dito, nais ni Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron na imbitahan ang tatlong personalidad sa susunod na sesyon upang hingan ng impormasyon hinggil sa Memorandom Order na ibinababa ni Mayor.

Dagdag pa nito, may dahilan  siya para imbitahan itong tatlong personalidad dahil matagal na umanong may nag-iisyu ng fake ticket sa snorkeling area.

Itong usapin ay binuksan ni Pagsaguiron sa 27 th Regular Session kung saan sa tingin ng huli ay hindi pa rin nasusulusyonan ang nasabing isyu na makailang beses ng tinalakay sa Sangguniang Bayan ng Malay.

No comments:

Post a Comment