Posted July 12, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Ito ang sinabi ni
Executive Assistant for Solid Waste Management OIC Otic Macavinta sa problemang
kinakaharap ngayon ng isla patungkol sa usaping basura.
Ani Macavinta,
tuloy-tuloy umano ang kanilang ginagawang paghahakot ng mga nakatambak na
basura sa Centralized MRF lalo na ng mga residual waste papuntang sanitary
landfill ng Malay.
Paalala ni
Macavinta sa publiko, huwag umanong ihalo ang mga basura para hindi mahirapan
ang mga naghahakot na i-segregate ito ng mabuti dahil isa itong dahilan kung
bakit nangangamoy ang Centralized MRF.
Ani Macavinta, bumabaho
lang umano ang lugar kung hinahakot ang residual waste pero paglilinaw ni nito
na ginagamitan nila ito ng organic spray para maibsan ang mabahong amoy dulot
ng mga nabubulok na kitchen at market waste.
Pakiusap nito na
para mapadali ang kanilang pag-aayos sa basura, hinikayat nito ang mga
residente na magtulungan upang mapadaling maresolba ang problema.
No comments:
Post a Comment