Posted July 3, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST
Boracay
Muling nagpa-alala
ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na may kaukulang parusa ang
pagbibiro tungkol sa bomba dahil maaari itong magdulot ng panic o pagkabahal sa
publiko.
Itong hakbang ay
may kaugnayan sa pasa-pasang balita nitong nakaraang linggo na meron umanong
bomba sa ManocManoc, Elementary, School dahilan ng pagkansela ng mga paaralan
ng kani-kanilang klase.
Sa panayam ng
himpilang ito kay BTAC Chief Police Senior Inspector Jose Mark Gesulga at SPO1
Christopher Mendoza ng Boracay PNP, wala umanong katotohanan ang lumabas na
balitang mayroong bomba at kung meron man ay huwag na itong ikalat bagkus ay ipagbigay
alam agad sa otoridad upang ma-verify kung totoo ang impormasyon.
Ani Gesulga,
mag-iingat umano sa mga binibitawang salita lalo na sa mga matataong lugar dahil
magdudulot talaga ito ng hindi kanais-nais na sitwasyon.
Napag-alaman na sa
ilalim ng Anti-Bomb Joke Law 1727, sinumang magsambit ng tungkol sa bomba o
anumang biro na maaaring ikaalarma ng publiko ay may kaukulang parusang hindi
lalampas ng limang taong pagkakabilanggo o multang hindi tataas ng P40, 000 o
pareho.
No comments:
Post a Comment