Posted July 3, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES THE BEST Boracay
Umakyat na sa 97 na mga evacuees o Internal Displaced
Person (IDP’S) mula Marawi City ang nasa pangangalaga ngayon ng muslim
community sa isla ng Boracay.
Sa ibinigay na datos ni BTAC Chief Intelligence &
Operation Section Dexter Brigido, nakapagtala sila ng 54 na kalalakihan at 43
na kababaihan na mga IDP’s na karamihan ay mula sa Lanao at karatig probinsya.
Pagsisiguro ni Brigido, bago makapasaok ang mga ito ay
nagsagawa sila ng profiling para sa pagkakilanlan ng mga IDP’s katuwang ang mga
muslim leaders sa Boracay.
Bago makapasok ng isla, dumaan ang mga ito sa checkpoint
sa mga bayan sa Altavas at Nabas kung saan ay hinahanap ang mga ito ng ID para
sa maayos na koordinasyon ng kanilang biyahe.
Dagdag pa nito tuwing araw ng Linggo umano ay inaasahan
nila ang iba pang pagdating ng mga evacuees dahil simula alas nuebe ng gabi
lamang ang byahe mula sa Cagayan De Oro papuntang Iloilo.
Sa ngayon maliban sa mga Tourist Police , may
augmentation rin ng SWAT- Aklan, QRT ng Philippine Army, PNP, Maritime Group,
High-way Patrol Group,Philippine Coast Guard, Philippine Navy, Bureau of Fire, EOD
at ang paparating pang Navy Seal na bumubuo sa Task Force – Boracay.
Ayon sa PNP, aasahan pa ang paglobo ng bilang ng mga
evacuees dahil sa may mga pamilya sila sa isla na kukupkop habang patuloy ang
bakbakan sa Marawi.
No comments:
Post a Comment