Pages

Wednesday, June 21, 2017

Mukha ng mga Wanted Maute Group, naka-paskil sa pantalan ng Caticlan Jetty Port

Posted June 21, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay


Ipinaskil ngayon ng kapulisan sa bukana ng Caticlan Jettyport ang mga mukha ng mga wanted na myembro ng Maute Terrorist Group.

Ayon kay APPO Public Information Officer SPO1 Nida Gregas, mandato umano ng lahat ng mga police office na maglagay ng mga mukha ng mga teroristang grupong Maute lalo at may balitang palipat-lipat sa ibang lugar ang ilan sa mga miyembro nito.

Ang pagpaskil ay makakatulong umano para makilala at madaling ma-isuplong sa mga otoridad lalo na at may nahuli umano’y tatlong miyembro ng teroristang grupo sa Iloilo Port nitong nakalipas na araw.

Ani Gregas, ito ay hakbang upang matulungan ang gobyerno sa ikadarakip ng mga wanted na terorista.

Dagdag pa nito, patuloy ang kanilang ginagawang monitoring assessment ng pulis, kung saan dito sa isla ay wala umanong problema sa monitoring dahil patuloy ang kanilang ginagawang seguridad.

Samantala, sa panayam naman kay Police Inspector Jose Mark Gesulga ng Boracay PNP, naka-full alert status ang buong kapulisan para sa seguridad ng mga residente at bisita kung saan nagtutulungan sila ng Task Force Boracay at iba pang mga law enforcers.

Dagdag pa ng opisyal patuloy ang kanilang mahigpit na profiling at interosgasyon kasama ang pagkuha ng mga larawan para mabantayan ng mabuti ang pumapasok sa Boracay.

Samantala, sa mga balitang mayroon umanong miyembro ng Maute dito, paglilinaw ni Gesulga na mga muslim daw ito na nagbabakasyon lang sa kanilang mga kamag-anak na merong negosyo sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment