Pages

Wednesday, June 21, 2017

MDRRMO-Malay, handa na sa Habagat Season

Posted June 21, 2017

Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay


Handang-handa na ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)ng Malay sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan.

Simula kasi ngayong buwan ng Hunyo ay nararanasan na ang ihip ng habagat na nagdudulot ng paglakas ng alon at pag-uulan na sanhi ng pagbabaha sa ilang bahagi ng isla at bayan ng Malay.

Dahil sa posibleng pagpasok ng bagyo at mga hindi inaasahang kalamidad sa ating bansa, naglatag na ng paghahanda ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)ng Malay sa anumang sakuna na maaaring mangyari.

Sa panayam kay MDRRMO Administration and Training Assistant Krysti Ana Magracia, may nakabantay na umanong mga Lifeguards at Beach Guard sa kahabaan ng long beach ng isla at may mga designated posting area ang mga ito kung saan pwedeng humingi ng tulong ang mga bisita.

Samantala, sapat na rin daw ang rescue equipment ng kanilang mga tao sakaling dumating ang panahon na sila ay ri-responde.

Dagdag pa ni Magracia, bukas na ang hotline 106 ng MDRRMO-Malay para sa nais humingi ng tulong o assistance lalo na sa panahon ng emergency.

Maliban dito, may mga nakalatag na aktibidad ang MDRRMO-Malay sa susunod na buwan ng Hulyo para sa iba’t- ibang grupo na kanilang isasailalim sa pagsasanay para sa paghahanda sa panahon ng mga sakunang posibleng mangyari.

No comments:

Post a Comment