Posted May 1, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Kalaboso ang isang lalaki matapos na mahuli kahapon ng
hapon sa Sitio Tulubhan Brgy Manocmanoc, Boracay.
Kinilala ang suspek na si Wilkin Yano Y Sanza, 30- anyos,
tubong Lumakil Polumolok South Cotabato at pansamantalang nanunuluyan sa
nasabing lugar.
Naaresto si Yano, sa pinagsanib pwersa ng APPO Tracker
Team na pinangunahan ni PINSP Angelito De Jose, APSC 1st Manuever Platton, RIU6
at BTAC PNP Aklan sa bisa ng warrant of arrest sa paglabag sa Section 7,
Article II of Republic Act 9165, o “Comprehensive Dangerous Drug Act” of 2002 na
may Criminal Case Number 13605 noong April 17, 2017 na nilagdaan ni Presiding
Judge Montalid P. Patnubay Jr at Regional Trial Court 6 Branch 9, Kalibo, Aklan
na may piyansang nagkakahalaga ng P 200,000.
Sa parehong araw, nahuli rin ang suspek na kinilalang si
Jomar Bertoldo Y Enrique, 31-anyos, tubong San Jose Romblon at temporaryong
nanunuluyan sa Sitio Bantud Brgy Manocmanoc.
Nahuli si Bertoldo sa bisa ng Warrant o Arrest sa paglabag ng Section 7,
Article II of Republic Act 9165, o ang “Comprehensive Dangerous Drug Act” of
2002 na may Criminal Case Number 13592 noong April 17, 2017 kung saan ang piyansa
ay nagkakahalaga ng P200,000.
Samantala, nasa kustodiya na ngayon ng APPO Tracker Team ang
nasabing mga akusado para sa tamang disposisyon.
No comments:
Post a Comment