Posted May 1, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Nadatnan ng walang buhay ang isang lalaki sa pababa sa
bahagi ng Sitio Ambulong, Brgy. ManocManoc, Boracay nitong ika-27 ng Abril.
Kinilala ang biktima na si Cerelo Sta. Ana Y Policher na
isang construction worker, residente ng Cantila Poblacion Occidental,
Consulation, Cebu at pansamatalang nanunuluyan sa kanilang barracks sa Barangay
Balabag.
Base sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa ng Boracay
Tourist Assistance Center, nakita ang ang
katawan nito sa bakanteng lote kung saan wala na itong pangtaas at pangbaba na
kasuotan.
Sa pag-iimbestiga ng SOCO sa pangunguna ni PCINSP
Layador, narekober sa Crime Scene Processing ang isang brown wallet na naglalaman ng
COMELEC ID, pera, isang brown pants, isang pares ng sapatos at putting polo.
Ayon sa SOCO, hindi nakitaan ng anumang sugat ang katawan
ng biktima kung saan dinala agad ang labi nito sa Prado Funeral Homes sa Cubay
Norte, Malay.
Samantala, nabatid na ang nasabing biktima ay nai-rekord
na nawawala noon pang Abril 25.
No comments:
Post a Comment