Pages

Thursday, May 25, 2017

Construction sa Reclaimed Area, kinuwestiyon sa SB Session

Posted May 25, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay


Nakatakdang ipatawag sa Sangguniang Bayan Session ng Malay ang nasa likod ng konstruksyon ng piling foundation sa reclaimed area sa Caticlan.

Sa ginanap na 15th Regular Session ng SB Malay naging laman ng Privilege Speech ni Frolibar Bautista ang tungkol sa nabanggit na isyu.

Nabatid na ang nakalaan lamang na sukat na pinayagan para sa reclamation ay  2.6 Hectares kung saan kinuwestiyon ni Bautista ang konstruksyong na nagyayari na wala man lamang umanong abiso o endorsement mula sa Lokal na Pamahalaan ng Malay.

Sa deliberasyon ay binasa ni SB Gallenero ang ilan sa mga nilalaman ng resolution sa gitna ng LGU-Malay at probinsya kung saan dito ibabase kung may nilabag ang Provncial Government o Jettyport Administration.

Sa kasalukuyan, tuloy ang pagbabaon o piling sa reclaimed area na posibleng gawing rampa para sa bangka ng CBTMPC at mga sasakyang pandagat na dadaong doon.

Magugunitang naging topiko na ang isyung ito sa mga nakalipas na taon kung saan ang proyektong ito umano ay isang expansion lamang para mas mapaganda ang pasilidad na ilalagay sa reclaimed area mas maging maayos ang serbisyo sa mga turista subalit parang nagkaroon pa ng karagdagang expansion.

Ani Pagsuguiron, imbitahan umano ang Jetty Port Administrator nang sa ganun ay maliwanagan ang lahat sa naturang isyu.

Samantala, napagkasunduan naman na sa susunod na sesyon ay ipapatawag ang Engineering, Zoning Office, BFI, Jetty Port Administrator at representante ng Provincial Government.

No comments:

Post a Comment